April 19, 2024

NONITO DONAIRE AT NAOYA INOUE REMATCH, BUKAS NA, BOXING GLOVES NA GAGAMITIN NG HULI, INIREKLAMO

Bukas na ang bakbakan nina Nonito Donaire Jr at Japanese champ Naoya Inoue. Idaraos ang bantamweight boxing rematch ng dalawa sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.

Nabahiran ng kontrobersiya ang pagsalang ng dalawang fighter sa weigh-in. Pati na rin sa gagamiting boxing gloves. Tumimbang si Inoue ng 118 pounds habang si Donaire ay 117.8 pounds.

Nagkaroon ng bangayan at di pagkakasundo ang dalawang kampo. Ayon sa kampo ni Donaire, hindi selyado ang gagamiting gloves ni Inoue. Gayunman, naayos din ito sa huli. Gagamitin ng Pinoy boxer at WBC champion ang orange at blue boxing gloves.

Pabor ang mga boxing analyst at bettors kay Inoue (2-1) na mananalo sa laban. Subalit, maaaring masilat ni ‘The Filipino Flash’ang Japanese  boxing star.