April 19, 2024

‘NO BAKUNA, NO SALARY’, ILEGAL – TUCP

HINDI makatao at ilegal  para sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress ang ipinatutupad ng ilang employers na “no bakuna, no salary” scheme sa kanilang kompanya.

Ayon kay ALU-TUCP na si Alan Tanjusay, dapat magsagawa ng inspeksyon ang Department of Labor and Employment sa mga kompanya upang matiyak na natatanggap ng mga hindi bakunadong manggagawa ang kanilang sahod

Samantala, nilinaw ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagbabakuna laban sa CoVid-19 ay hindi mandatory para lamang makuha ng mga manggagawa ang kanilang sahod.

Ayon sa Vergeire, walang batas na nag-uutos na ipatupad ang  ang “no vaccine, no salary” policy