March 28, 2024

NIKOLAI JOKIC, NANGUNA SA PAGDISKARIL NG NUGGETS SA BLAZERS, BUCKS, SINUWAG ANG HEAT

Mala-MVP ang perpormans ni Nikolai Jokic sa Game 3 ng Western Conference playoffs series. Diniskaril ng Denver Nuggets ang Portland TrailBlazers, 120-115 sa isang epic match-up.

Nagtala si Jokic ng 36 points, 10 boards at 5 assists.

Malaki rin ang naitulong ni Austin Rivers lalo na sa fourth quarter. Kumana si Rivers ng 21 points, 4 boards at 2 assists.

Nag-ambag naman si Michael Porter Jr ng 15 points at 5 boards. Sa panig naman ng Blazers, bumuslo si Damian Lillard ng 37 points, 5 assists at 2 boards.

SI CJ McCollum naman ang bumira ng 22 points, 9 rebounds at 3 assists. Lamang na sa 2-1 lead sa series ang Nuggets.

Sa iba pang laro, sinuwag ng Milwaukee Bucks ang Miami Heat sa isang blow-out win 113-84.

Naglista para sa Bucks si Giannis Antetokounmpo 17 points, 17 boards at 5 assists. Tumulong naman si Khris Middleton sa pagkana ng 22 points, 8 boards at 5 assists.

Nanguna naman sa Miami si Jimmy Butler na naglista ng 19 points, 8 boards at 6 assists. Dahil sa pagkatalo, nabaon sa 0-3 sa series ang Heat at nanganganib na mapatalsik kapag na-sweep ng Bucks sa 0-4.