April 24, 2024

NIKOLA JOKIC, NANGUNA SA PAGBITAY NG NUGGETS SA MAVERICKS

Kumana si Nikola Jokic ng triple-double upang pangunahan ang Denver Nuggets sa pagbitay sa Dallas Mavericks, 106-75. Bumira ang Serbian big man ng 11 points, 16 boards at 8 assists.


Nag-ambag naman si A. Gordon ng 13 points, 5 boards at 2 assists. Habang si Michael Porter Jr naman ay nag-ambag ng 12 points at 3 rebounds.


Sa panig naman ng Dallas, nanguna sa opensa si Luka Doncic na may 16 points, 6 boards at 4 assists.


Sa iba pang laro, pinitpit ng Portland TrailBlazers ang Los Angeles Clippers, 111-92. Binitay naman ng Brooklyn Nets ang Indiana Pacers sa iskor na 105-98. Inihaw naman ng Miami Heat ang Charlotte Hornets, 114-99.