April 25, 2024

NERI NAIG AT CHITO MIRANDA, BUMILI NG FARM SA CAVITE

Iba rin ang couples na sina Neri Naig at Chito Miranda na frontman ng gurpong ‘Parokya ni Edgar’ pagdating sa investment. Patunay ito na mahusay silang humawak ng pera. Katunayan, nakabili sila ng farm sa Alfonzo, Cavite.

Ayon kay Neri, nagtanim sila ng fruit bearing trees sa kanilang nabiling property. Tinawag nila itong ‘Miranda Farm’. Na kanyang ibinahagi sa social media. Kabilang na rito ang kalamansi, rambutan. Manga at pomelo. Meron ding lansones, saging, bayabas, chico at dragon fruit.

Bukod sa mga nabanggit, marami pang nakatanim na puno sa farm nila.

 “Ayaaaaan na! Nag-uumpisa nang taniman ng kung ano anong mga fruit bearing trees sa Miranda’s Farm,” ani Neri.