April 18, 2024

NBA report: Player option, tinabla ni Anthony Davis, magre- re-sign sa Lakers

Pinahayag ni Anthony Davis na wala pa siyang ideya tungkol sa free agency. Mayroong $28,751,774 player option si Davis ayon sa ulat.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic, nais ni Davis na manatili sa Los Angeles Lakers. Pareho kasi sila ng agent ni LeBron James sa katauhan ni Rich Paul.

‘Davis plans to opt out of his $28.7 million player option and re-sign with the Lakers,’ saad ng sources sa The Athletic.

Maaaring magpataas ng presyo si Davis. Ang maximum salary niya ay mas mababa sa player-option niya. Iyon ay kung ang salary cap ay babagsak sa $95,839,247 million.

Kung tutuusin, mababa ang presyong iyan, Ngunit, sinasabi ng sources na maaaring mag-re-sign si Davis sa Lakers ng hanggang 5 taon.