April 25, 2024

NBA GAMES UPDATE, BUCKS, DALLAS AT MEMPHIS, NAGSIPANALO

Narito ang NBA games update ngayong araw, Feb.9, 2022. Bumira si Giannis Antetokounmpo ng 44 points sa pagbarag ng Milwaukee Bucks sa LA Lakers, 132-116. Kasama na rin sa itinala ng ‘The Greak Freak’ ang 14 boards at 8 assists.


Nag-ambag naman si Bobby Portis Jr ng 23 points. Habang si Khris Middleton ay gumawa ng 21 points. Sa panig naman ng Lakers, bumuslo si LeBron James ng 27 points.


Si Anthony Davis naman ay lumagare ng ng 22 points. Tumipa naman si Malik Monk ng 20 points.
Sa iba pang laro, humakot ng 33 points si Luka Doncic sa pagsira sa Detroit Pistons, 116-86. Kasama na rin dito ang 11 assists at 7 boards. Nagpasabog naman si Jah Morant ng 30 points sa pagluray ng Memphis Grizzlies sa LA Clippers, 135-109.