April 19, 2024

NASAAN ANG MGA KONSEHAL NG TAYTAY, RIZAL?

Ilang netizens ang nagpaabot ng kanilang hinaing hinggil sa kanilang nawawalang mayor, vice mayor at mga konsehal.

Ayon sa mga netizens ng Taytay, Rizal, mas inuna ng mga konsehal na pumunta sa Samal Beach Island Resort sa Davao City kasama sina Mayor Allan de Leon at Vice Mayor Pia Cabral keysa dumalo sa regular session kahapon.

Nilinaw ng mga netizen na ang hindi pagdalo ng mga konsehal ng bayan sa naturang sesyon ng walang proper notice ay nag-ugat sa pagkaantala ng mahahalagang usapin na dapat sana’y nadesisyunan na para sa kapakanan ng taong bayan.

Ilan sa mga ito ay katulad ng naka-pending na senior cash gift at social pension.

Umapela rin sila sa lokal na opisyal ng bayan na unahin ang kabutihan at kapakinabangan ng bawat Taytayeño lalo’t higit ngayong panahon ng pandemya at isantabi ang pansariling kapakanan.