April 25, 2024

NAOYA INOUE, PINABORAN NG BOXING ANALYST, BETTORS, NA MANANALO KONTRA DONAIRE

Bet ng ilang boxing analyst at insiders si Japanese pug Naoya Inoue na mananalo sa rematch nila ni Nonito Donaire Jr. Maging sa betting odds, pabor ang karamihan sa Japanese boxing champion. Katunayan, sa online gambling group na William Hill, pabor ang bettors kay Inoue.

Nakakuha ito ng 1/10 (-1000) favorite. Habang si Donaire ay nagtala ng 11/2 (plus550). Ang draw naman ay nagtala ng 25/1 (plus2500).

Sa prediction naman ng mga boxing analyst at insider ng RingMagazine, pabor ang mayorya sa 26-anyos na si Naoya. Nakakuha ito ng 23 votes (out of 25) kumpara sa 2 votes ng 40-anyos na si Donaire.

Magtutuos ang dalawa sa June 7 sa Saitama, Japan at nakataya rito ang title unification. Tangan ni Inoue ang IBF/WBA super duper bamtamweight title belt. Hawak naman ni ‘The Filipino Flash’ ang WBC bantamweight title belt.