April 20, 2024

NAOYA INOUE, MAY KALALAGYAN SA UPPERCUT NI CASIMERO, LABAN, PUNTIRYA SA 2022

” I want Naoya Inoue next year.” Ito ang pahayag ni John Riel Casimero batay sa isang source mula sa kanyang camp. Sa gayun ay magkaalaman na raw kung sino ang mas matikas sa bantamweight division. Ayon pa sa source, hindi gustong labanan ni ‘Quadro Alas’ ang kababayang si Nonito Donaire Jr.


Hindi siya magiging ganado kapag ganun. Kababayan mo, kalaban mo? Mawawala siya sa focus. Gusto niya si Inoue talaga,” saad ng source.


Kung talagang magaling si Naoya, bakit di siya lumaban. Matagal na siyang hinahamon ni Casimero. Pero, ayaw labanan. Halatang takot,” dagdago nito.


Pinaliwanag din ng source na isang laban pa muna ang sasabakan ni Casimero. Sa gayun ay pwede na nitong labanan ni Inoue. Pero, kung pwede naman na rekta agad, bakit daw hindi.


Yung isang Pinoy na ka-sparring ni Inoue, nagsabi, malakas pa sumuntok si John Riel. Puro bodega lang naman puntirya niya sa nakakalaban. Pero, pag tinamaan ng uppercut ni ‘Quadro Alas,” may kalalagyan siya,” giit ng source.