April 25, 2024

Muntikan nang magrambol, LAKERS, DINISKARIL ANG PISTONS

Naging madugo ang laro sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Detroit Pistons sa Little Caesars Arena sa Michigan. Bagamat diniskaril ng Lakers ang Pistons sa iskor na 121-116, napuno naman ito ng tension.

Muntikan nang magkaroon ng rambol sa loob ng court sa third quarter. Nag-ugat ito nang aksidenteng masiko sa mukha ni LeBron James si Isaiah Stewart. Ito’y habang nakikipag-agawan sa rebound. Dahil sa nakabuhol ang kamay ni James, natamaan sa mukha ang center ng Pistons nang bumalikwas ito. Dito na nagwala si Stewart na duguan.

Dahil dito, pumalag si Stewart at tinangkang sugurin si James. Inawat naman ng security at mga players ang dalawa para di magpang-abot.

Gayunman, sa sobrang hot ni Stewart, tatlong beses itong balak sunggaban si LeBron. Na-ejected naman si James dahil sa ginawa. Ipinagpatuloy naman nina Anthony Davis at Russell Westbrook ang ratsada ng Lakers.

Bumira si Davis ng 30 points, 10 boards at 2 blocks. Habang si Westbrook naman ay lumagare ng 26 points, 9 boards at 10 assists. Si Carmelo Anthony naman ay bumuslo ng 18 points. Ten points naman ang kinana ni LeBron.