April 20, 2024

MILWAUKEE BUCKS, SINUWAG ANG HORNETS SA THRILLING GAME

Nakatakas ang Milwaukee Bucks sa isang thrilling game kontra Charlotte Hornets. Sinuwag ng Bucks ang Hornets sa iskor na 127-125. Nanguna sa panalo ng Bucks si Giannis Antetokounmpo na gumawa ng 40 points at 12 boards.


Nag-ambag naman si Khris Middleton ng 21 points at 6 rebounds. Bumida naman sa opensa ng Hornets si Lonzo Ball sa pagkana ng 36 points. Kasama na rito ang 9 assists at 5 rebounds.


Tense ang laro sa huling 8 segundo nang maisalpak ni Ball ang tres. Kaya, natabla ito mula 122 ang iskor sa 125 all. Agad naman rumatsada ng salaksak si Giannis at naipasok ng bola sa 5.9 seconds. Kaya, lamang sila ng 2 points
Hindi na naisalpak ng Hornets ang attempt sa natitirang 2 seconds.

Samantala, narito ang iba pang resulta ng laro sa NBA ngayong araw.

Nilagare ng Washington Wizards ang Minnesota Timberwolves, 115-107. Dinagit ng Atlanta Hawks ang Indiana Pacers, 114-111. Tinaga ang Cleveland Cavaliers ang Miami Heat, 111-85. Ginulpi namang ng Boston Celtics ang Philadelphia 76ers, 88-87.