April 25, 2024

MILWAUKEE BUCKS, SINUWAG ANG BROOKLYN NETS, 127-104

Sinuwag ng Milwaukee Bucks ang Brooklyn Nets, 127-104 sa opening ng 2021-22 NBA season. Lumagare si Giannis Antetokounmpo ng 32 points, 14 boards at 7 assists sa Bucks.


Tumulong naman si Khris Middleton sa pagbuslo ng 20 points, 9 boards at 3 assists. Sa panig naman ng Nets, bumira si Kevin Durant ng 32 points, 11 boards at 4 assists.


Nag-ambag naman si Patty Mills ng 21 points, 2 boards at assists. Habang si James Harden ay bumuslo ng 20 points, 8 boards at 8 assists.

Hindi naman nakalaro sa team si Kyrie Irving dahil sa ipinatutupad na health protocols. Isa pa, hindi pa ito vaccinated. Kaya tsupi muna sa home games.