April 23, 2024

MICHAEL V. NADALE NG ONLINE SELLER SCAM

Nadale si Michael V. sa pinasukan nitong transaksyon sa isang online seller. Nakulimbat kasi sa kanya ang halagang P2,550.00. Hindi akalain ng actor-singer na lolokohin siya ng ka-transaksyon. Kaya, nagbigay ng babala si Michael sa mga bumibili online.


Aniya, mag-ingat at maging alerto.


SCAM ALERT! Mag-ingat sa na-discover kong ONLINE SELLER SCAM!” caption ni Bitoy sa kanyang video.


Ayon pa kay Bitoy, may item na dumating sa bahay niya. Pero, di naman niya inorder ang isang selfie stick na ang tantiya niya ay nasa P500 pesos lang.


Wala aniya siya sa bahay nang dumating ang item. Kaya, ang mga kasama niya roon ang nagbayad. Pero, ang mahal ng siningil sa nasabing item.


“Mga scammers, ngayon naman, ito naman ang daigdig na pinapasok n’yo. Pinagsasamantalahan n’yo naman ‘yung mga taong wala nang magawa, hindi makalabas ng bahay, puro online pamimili na lang ang ginagawa. Huwag naman,” sambit ni Bitoy.