April 23, 2024

MIAMI HEAT, BINARBEKYU ANG LAKERS

Binarbekyu ng Miami Heat ang Los Angeles Lakers, 113-107 kahit mutik nang masilat. Nagtala si Jimmy Butler ng triple-double sa panalo ng Heat sa FTX Arena.


Kumana si Butler ng 22 points, 12 assists at 10 boards. Nag-ambag naman si Duncan Robinson ng 25 points, 5 boards at 3 assists.

Sa panig namana ng Lakers, gumawa si LeBron James ng double-double. Bumira ito ng 33 points at assists. Habang 24 points at 9 boards naman ang kinana ni Russell Westbrook.


Natambakan ng Heat ang Lakers ng 26 points sa 1st half. Ngunit, naibaba ito single digit pagsapit ng 4rt quarter. Nakalapit pa ang Lakers sa 5 point-deficit sa huling 3 minuto.


Ito ay dahil sa ikinasang 21-4 run. Pero, nasira ang tsansa ng LA na maibaba ang lamang sa 2 points. Ito ay dahil sa turnover ni Avery Bradley. Nagtala rin ng turnover si P.J Tucker. Pero, hindi ito na-capitalized ng L.A.