April 25, 2024

MGA NORANIANS ‘DI RAW SUSUPORTAHAN SI YORMI ISKO MORENO SA PAGTAKBO BILANG PANGULO

Kamakailan ay inamin ni Yorme Isko Moreno, na isa siyang Noranian. Pero ang ikinaloka ng mga fans ni Nora Aunor o ng mga Noranians ay bakit si Vilma Santos ang kanyang gustong maluklok sa pagka National Artist.

Gayung dalawang beses itong bumagsak sa criteria ng NCCA at ng CCP?

Samantalang si Nora Aunor ay matagal nang pasado. Pero lagi raw itong napupulitika. Kaya hindi maibigay sa kanya ang nasabing award.

Grabe siya nagpapagamit siya sa mali. Alam ba niya na ang kanyang iniindorsong si Vilma Santos ay dalawang beses bumagsak sa criteria ng NCCA at ng CCP.

Kaya milagrong maluklok si Vilma, at kapag nangyari iyon ay malamang na nagkaroon ng hokus pokus o nabayaran sila. Hindi naman papayag ang NCCA at CCP sa ganuong estilo nila.

Kung ibibigay kay Vilma ang National Artist Award, dahil lamang sa Anniversary ng Metropolitan Theater. Dahil doon ginanap ang dating show ni Vilma ay hindi makakabuti sa political career ni Yorme ang mali niyang desisyon.

“Halos nakararami sa mga Noranians ang galit kay Yorme Isko sa ngayon.Dahil ang tingin nila dito ay isang user.”

” Desidido silang huwag suportahan sa pagka Presidente itong si Yorme Isko Moreno kung sakaling tatakbo ito.”

“Galit sila sa ginagawang pang-iindorso ni Yorme kay Vilma, dahil lumalabas na walang alam ang si Yorme sa mga patakaran ng NCCA at ng CCP,” chika ng isang matagal ng Noranians.

Sana huwag padala sa suhol ang Yorme ng Maynila.Kung sabagay malaking tao at mapera si Vilma Santos.

Sino ba naman ang makakatangi sa actress kung ang kapalit naman nito ay susuportahan ang pagtakbo niya sa darating na halalan.