April 20, 2024

Mayweather-McGregor rematch, pinaplantsa, malapit nang maikasa  

Malapit na aniyang maplantsa ang rematch nina Floyd Mayweather Jr at Conor McGregor ayon sa source. Papalo ang nasabing rematch sa multi-million bout na aabot sa US$1-billion . Turan pa ng source, hindi exhibition bout ang mangyayari. Kundi, totohanan at itataya ni Mayweather ang kanyang unbeaten record.

Ayon pa sa insider, nakapagkasunduan na ang personal terms. Subalit, may pagtatalo kung ilang rounds maglalaban ang dalawa. Gusto umano ni ‘Notorious’ o McGregor na umabot sa 10 rounds.Ang laban ay naka-set sa 155lbs.Gayunman, kinakailangang magbawas ng timbang ni McGregor sa 190lbs.

Tumaas ang timbang ng Irishman buhat nang nagpapagaling ng kanyang broken leg.

The deal is very close to being done. Personal terms have been agreed on both parties,” turan ng insider.

It will be one final show down. And yes records will be at stake,” dagdag nito.

Unang naglaban ang dalawa noong June 2017. Kung saan, natalo ng American boxer ang Irish fighter sa boxing match sa Las Vegas.