March 29, 2024

MAY INIIWASAN NGA BA ANG LAKERS KAYA OKS LANG NA MAGTALO SILA?

Pangpito na ang Los Angeles Lakers sa standing ng Western Conference. Habang sinusulat natin ang suplemento sa pitak na ito, natalo sila kahapon sa Portland TrailBlazers.

Mukhang nangangapa pa sila kahit nagbalik na si Anthony Davis. Pasundot-sundot naman si LeBron James. Pinapahinga kasi nito ang ankle niyang may injury.

Malakas o okay aman ang lineup nila. Lalo nga’t nadagdag ang big man na si Andre Drummond. Pero, wala sa eksena si Montrezl Harrel. Dahil may iniinda rin ito.

Sa nakikita natin, mukhang balisa na kalmado ang Lakers. Mas mainam na yung nasa lower seed sila. Kaysa sa no.1 pero masisilat naman sa playoffs.

May iniiwasan kaya silang makatapat sa first round gaya ng LA Clippers? Pukpukan kasi yan kapag nagkataon. Kung mananaitli sila sila sa 7th seed, baka Utah o Phoenix ang makasagupa nila.

Buweno, may ilang laro pa naman ang nalalabi sa elimination na may kabuuang 72 games. Pakiramdaman na lang yan.