April 19, 2024

MAY 13 IDINEKLARANG NON-WORKING HOLIDAY PARA SA EID’L FITR

Idineklarang regular holiday ng Malakanyang ang May 13, 2021.

Sa bisa ng Proclamation No. 1142 ni Pangulong Rodrigo Duterte, gugunitain sa nasabing petsa ang Eid’l Fitr o Feast of Ramadhan.

Layon ng deklarasyon na mabigyang pagkakataon ang sambayanan na makiisa sa mga Muslim sa kanilang paggunita sa Eid’l Fitr.

Nakasaad sa proklamasyon na ang obserbasyon at selebrasyon ay kailangang isagawa nang nakasusunod sa umiiral na community quarantine.