March 29, 2024

MANOY NG MMA FIGHTER NABALI SA SEX

Ibinunyag ng isang MMA fighter ang kanyang mapait na karanasan matapos mabali ang kanyang ari habang nakikipagtalik.



Ilang  linggo ring naratay sa ospital si Ray Elbe, 38, matapos mauwi sa madugong bangungot ang wild lovemaking session sa kanyang girlfriend habang nagbabakasyon sa Malaysia.

Nabali at dumugo ang ari ni Elbe habang nakikipagtalik sa kanyang girlfriend.

Kuwento ng MMA fighter, umibabaw ang kanyang kasintahan at sa sobrang panggigigil ay napataas ang puwitan ng babae. Nagkataon namang dumausdos ang lalaki kaya pagbaba ng puwet ng kasintahan ay nadaganan nito ang wala sa posisyon na ari ng lalake.

Humiyaw sa sakit si Elbe at nang makita ang dugo ay pumunta ito sa comfort room subalit doon na siya nawalan ng malay. Agad siyang isinugod sa ospital.

Sabi ng mga doktor, nagkaroon ng ruptured urethra at napinsala rin ang dorsal vein at artery. Ayon sa doktor, nangyayari ang pagkabali ng ari kapag sobrang tigas nito at sumablay sa dapat nitong pasukan.

Sumailalim sa 12 oras na surgery si Elbe at naibalik naman sa dati ang nabali niyang ari.

Makalipas ang walong linggo, pinayagan na si Elbe na makipag-sex muli sa kanyang kasintahan.