April 19, 2024

MANNY PACQUIAO, IMPRESSED SA IPINAKITA NI ALVAREZ KONTRA SAUNDERS

Hanga si welterweght superstar Manny Pacquiao kay Mexican pug Canelo Alvarez. Ito’y matapos makita ng fighting senator ang paglikida ng Mexican kay Billy Joe Saunders.

Nanood ng live si Pacquiao sa unification bout ng dalawa. Impressed si Pacquiao sa kanyang nasaksihan.

Nakipagsabayan si Saunders sa 4-time division na si Alvares. Nangyari ito sa loob ng tatlong sunod na rounds. Pero, tinapos na ni Alvarez ang British pug sa Round 8.

Pinalambot ni Alvarez sa ginagawa niyang solid body shots ang kalaban. Nakita nito na iniiwasan ang head shots. Dito na ginamit ni Alvarez ang combination na bira sa katawan, bira sa ulo.

Nabarag ang baba ni Saunders at isinailalim sa surgery. Dahil dito, hindi siya makauupak sa buong 2021.

“Those body shots by Canelo,” saad Pacquaio na may shocked face emoji.
“And still… congrats, Canelo!”aniya sa Twitter account.

Maraming boxing fans ang nagnanais na magharap din ang dalawa sa future. Pero, malabong mangyari.
Ayaw ni Pacquiao na umakyat sa 147lbs at tumuntong sa middleweight.

Sa kaso naman ni Alvatez, gusto nitong umakyat ng timbang hangang 168lbs. Sa gayun ay makuha niya g lahat ng title belts sa nasabing division.