April 23, 2024

MANGASAR RESCUE COMMUNITY CARAVAN SA BARANGAY 12, ZONE 1 CALOOCAN CITY

TULOY-TULOY pa rin ang pagbibigay ng serbisyong medikal ng “Mangasar Rescue Community Caravan” ni Konsehal Alex Mangsar para sa mga kababayan natin sa Caloocan. Nitong Oktubre 16, ay nagtungo ang mobile clinic ni Mangasar sa Barangay 12, Zone 1 sa naturang lungsod. Laking pasasalamat naman ng mga residente lalo na ng mga senior citizens sa nasabing lugar na napagkaloob ng libreng serbisyong medikal ng Mangasar Rescue Community Caravan.