April 20, 2024

Maligayang kaarawan former PNP chief Sonny Razon Jr.

BUMUHOS ang pagbati mula sa pamilya, kaibigan at kapatiran ng mga Mason sa selebrasyon ng ika-70 kaarawan ni Grand Supreme Ruler Worthy Brother Gen. Sonny Razon na ginanap sa Crowne Plaza Manila Galleria noong Setyembre 26.

“Happy Birthday Grand Supreme Ruler Worthy Brother Gen Sonny Razon OSM , (South East Asia ) 70th year of blessed life,” ayon sa media post ni Fatima Dela Cruz Arias na isa sa mga dumalo sa kaarawan ni Razon.


Dumalo rin si Don Ramon Ignacio sa masaya at makabuluhang okasyon ng dating hepe ng PNP.

“Para kay Kuya Sonny,  hangad namin ang marami pang masayang selebrasyon ng inyong birthday,” ayon kay Ignacio.

“Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Dakilang Manlilikha at bigyan pa kayo ng lakas, manatiling maayos ang kalusugan para sa mahaba pang paglilingkod sa Brother Masons,” dagdag pa nito.

Si Kuya Sonny ay dating hepe ng Philippine National Police mula Oktubre 1, 2007 hanggang Setyembre 27, 2008. Naitalaga rin siya bilang Presidential Adviser on the Peace Process noong 2009.