March 29, 2024

MAJA, KARMA AT KAMALASAN ANG DINANAS KAY GERALD ANDERSON?

Grabe palang kamalasan ang inabot nitong si Maja Salvador nang maging boyfriend niya si Gerald Anderson.

Nawalan pala siya nang mga project at commercials, gapang to death daw talaga ang drama ng career niya. Samantalang si Gerald ay namumulaklak sa mga project.

Hindi raw alam ng actress kung karma o minamalas na siya.

Pero hindi nagpatalo si Maja, dahil lumaban pa rin siya sa mga pagsubok sa kanyang showbiz career. Nang umabot na sa hiwalayan nila ni Gerald ang kanilang lovelife, doon na muling nabuhay ang naghihingalo niyang showbiz career.

Nagbalikan na rin ang mga commercial at mga projects na nawala sa kanya.

Pero, lahat daw nang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay ay hindi siya nagpatalo. Lumaban siya at humingi ng tulong sa Dios at hindi naman siya pinagkaitan Nito.

Ngayon kahit pandemya, patuloy pa rin naman siyang nakikibaka ang kaibahan nga lang ay may mga project siyang ginagawa.