May 27, 2022

MADUGAS ANG TUMALO KAY PACMAN

NAKADUGAS si Yordenis Ugas ng Cuba sa puntos kontra Pambansang Kamao Manny Pacquiao upang mapanatili ng una ang  belt nito sa WBA welterweight sa Mobile Arena sa lupain ng mga sugarol sa Las Vegas, Nevada USA

Sinamantala ng Cubanong-Americano ang bentahe nito sa haba ng kamay at tangkad upang mapigilan ang estilong ‘raging bull’ ng Pinoy boxing icon na hinaluan pa ng gulang at dumi ng laro pabor sa madugas na Latinong boksingero.

Bagama’t nasa kondisyon si Pacman, hindi nito naparamdam  ng husto ang bangis ng kanyang kamao dahil natutukuran siya ng mahabang kamay ng Egoy na sumandig lang sa jab-jab upang makapuntos.

 Hindi rin nakapag-adjust agad ng ensayo ang fighting Senator nang umatras ang orihinal nitong kalabang si Errol Spence at naging kapalit ang inatrasan din ng  kalabang di gaanong kilalang si Ugas na isang dating Olympic medalist boxer.

Epektibo ang talento ng Cubano na taktika ng mga Olympians na puntusan lamang habang halata naman ang pagbagal ni Pacman na di makalusob sa teritoryo ng kalaban.

 Lumabas ang pagkaungas ni Ugas sa kalagitnaan ng laban kung saan ay ipinakita niyang kaya niya ang powerpunches ng Pinoy 8-world division champion na hinaluan pa ng dirty tactics at trash talking.

Ang mga walang kuwentang jabs ng ungas na kalaban ni Pacquiao ang nag-build-up ng kalamangan sa puntos na ‘di na nakaya pang habulin ng tatakbong Pangulo ng Pilipinas.

Natapos ang long-distance fight sa scorecards pabor sa nagbubunyi pero binu-boooh na si Ugas upang maging lehitimong kaniya ang inisnats na WBA welterweight belt.

Walang natulog na boksingero sa nakakaantok na labang ‘di sanay si Pacman.

Ungos ang ungas na si Ugas. Naisahan si Pacman ng isang kaistilo ni Floyd Mayweather-the moneyman na takot sa suguran.

Mabuti na rin at hindi napuruhan si Pacman. Pag-uwi niya rito sa ‘Pinas ay kanya namang  tatapusin ang nabiting laban sa pulitika. Itutuloy ba niya ang kanyang mga expose kontra administrasyon o Magu-UGAS kamay ito sa dating kasanggang Pangulo ng bansa?.. ABANGAN!!

Lowcut:  Congratulations sa mga bagong resipiyente ng prestihiyosong  Dr.Chito Collantes( founder M24B1024) Excellence Award ( Academic and Sports) na sina Yumi Manas, Jimboy Sarcilla, Denisse Kyut dela Cruz, Hughnixie Cacayan Paccarangan, Joanna Dulva, Kiara David at Atasha Simon. Mabuhay ang M-24  Maharlika Builders of Guardians  Canada/USA/ Philippines at mga sponsors.

Weather Forecast

May 27, 2022, 8:03 PM
Cloudy
Cloudy
31°C
real feel: 33°C
current pressure: 1010 mb
humidity: 60%
wind speed: 4 m/s W
wind gusts: 6 m/s
UV-Index: 0
sunrise: 5:26 AM
sunset: 6:20 PM
Forecast May 27, 2022
day
Partly sunny with thundershowers
Partly sunny with thundershowers
35°C
wind speed: 2 m/s SSE
wind gusts: 5 m/s
max. UV-Index: 12
night
Mostly cloudy with thunderstorms
Mostly cloudy with thunderstorms
27°C
wind speed: 1 m/s SE
wind gusts: 4 m/s
max. UV-Index: 12
Forecast May 28, 2022
day
Thunderstorms
Thunderstorms
33°C
wind speed: 2 m/s S
wind gusts: 5 m/s
max. UV-Index: 5
night
Partly cloudy
Partly cloudy
27°C
wind speed: 2 m/s SSE
wind gusts: 3 m/s
max. UV-Index: 5
Forecast May 29, 2022
day
Mostly cloudy
Mostly cloudy
32°C
wind speed: 3 m/s SW
wind gusts: 8 m/s
max. UV-Index: 9
night
Mostly cloudy
Mostly cloudy
27°C
wind speed: 2 m/s SSW
wind gusts: 3 m/s
max. UV-Index: 9
Forecast May 30, 2022
day
Partly sunny
Partly sunny
33°C
wind speed: 2 m/s SSW
wind gusts: 5 m/s
max. UV-Index: 12
night
Mostly cloudy
Mostly cloudy
27°C
wind speed: 1 m/s SSW
wind gusts: 4 m/s
max. UV-Index: 12
Forecast May 31, 2022
day
Cloudy
Cloudy
33°C
wind speed: 2 m/s S
wind gusts: 4 m/s
max. UV-Index: 5
night
Thunderstorms
Thunderstorms
27°C
wind speed: 1 m/s W
wind gusts: 3 m/s
max. UV-Index: 5
More forecast...