April 20, 2024

LUKA DONCIC, NANGUNA SA BLOW-OUT WIN NG DALLAS SA PACERS

Lumagare si Luka Doncic ng 30 points sa panalo ng Dallas Mavericks sa Indiana Pacers, 132-105. Kasama na rito ang 12 assists at 6 rebounds sa blow-out win. Nag-ambag naman si Reggie Bullock ng 23 points at 3 boards.


Bumira naman si Domantas Sabonis ng 21 points at 15 boards para sa Pacers. Sa laro ay binigyan ng tribute si Rick Carlisle na dating coach ng Mavericks. Kung saan, isa ito sa winningest coach ng team. Inakay ni Carlisle ang Mavs sa 2011 NBA Finals at nakopo ang kampeonato kontra Heat.


Bumuslo naman ng 34 points si Jah Morant para sa big win ng Memphis Grizzlies. Nilapa ng Memphis ang Washington Wizards, 115-95.

Nag-ambag naman si Desmond Bane ng 19 poins at 4 assists. Bumida naman sa oepnsa ng Wizards si Kyle Kuzma na nagtala ng 30 points.