April 23, 2024

LUKA DONCIC, BUMIDA SA PANALO NG MAVS SA JAZZ, 111-101

Bumuslo si Luka Doncic ng 19 points upang pangunahan ang Dallas Mavericks sa panalo kontra Utah Jazz, 111-101.


Gumawa rin siya ng 6 boards at 5 assists sa loob ng 19 minutes na paglalaro.Ito rin ang unang panalo ni Jason Kidd bilang new coach sa NBA preseason opener.


Nag-ambag naman si Boban Marjanovic ng 14 points. Kung saan, nakabuslo siya ng 2 tres sa third quarter. Bumira naman si Jalen Brunson ng 10 points at 8 assists sa Dallas.


Gumawa naman ng 22 points para sa Jazz si rookie Jared Butler. Sa ngayon, 0-2 na ang Jazz sa NBA preseason games.