April 25, 2024

LUKA DONCIC, BUMIDA SA PAGGAROTE NG MAVS SA SPURS, PISTON, BINALIBAG NG 76ERS

Binuhat ni Luka Doncic ang Dallas Mavericks sa paggarote sa San Antonio Spurs, 104-99. Kumana ang Slovenian star ng 25 points, 5 assists at 3 boards sa Mavs. Nag-ambag naman si Maxi Kleber ng ng 12 points, 7 boards at 5 assists.


Sa panig naman ng Spurs, gumawa si D. Murray ng 23 points. Kasama na rito ang 10 boards at 8 assists.


Sa iba pang laro, binalibag ng Philadelphia 76ers kontra Detroit Pistons,110-102. Bumida si Joel Embiid sa panalo na nagtala ng 30 points, 18 boards at 3 assists. Nag-ambag naman si Tobias Harris ng 17 points, 6 boards at 2 blocks.


Kumana naman si Jerami Grant ng 14 points, 6 boards at 4 steals sa Pistons.