April 25, 2024

Los Angeles Lakers, tusdado sa Oklahoma City Thunder

MIAMI (AFP) – Dahil sa selyado na ang pagiging top seed sa Western Conference, tila nag-e-eksperimento ang Los Angeles Lakers sa laro. Gayunman, hindi ito naging epektibo.

Tinusta ng Oklahoma City Thunder ang Lakers, 108-86. Ito ang unang pagkakataon na hindi nakalamang ang Lakers sa laro sa season.

Nanguna sa panalo ng Thunder si Chris Paul na nagtala ng 21 puntos. Nagdagdag naman si Italian forward Danilo Gallinari ng 19.

Dahil sa panalo, isang laro na lang ang lamang ng Utah para sa karera sa fourth seed. May record ang Thunder na 42-25 sa season.

Nanguna naman sa Lakers si LeBron James na nagtala ng 19 puntos at 11 board. Nag-ambag naman ng 9 points, 8 boards at five assists si Anthony Davis.

Some things we need to continue to work on,”ani James.

“We’ve been out 4 1/2 months.”

When you put in the hours, put in the reps, you can’t worry to much. You’ve got to go get it,” aniya.

Samantala, narito ang iba pang resulta ng laro sa NBA ngayong araw.

Utah 124, Memphis 115

Philadelphia 107, Washington 98

Denver 132, San Antonio 126

Toronto 109, Orlando 99

Boston 149, Brooklyn 115