April 25, 2024

LOS ANGELES LAKERS, TARGET LAMBATIN SI RAPTORS COACH NICK NURSE, WESTBROOK, ITI-TRADE SA PACERS

May mga option ang Los Angeles Lakers upang makabawi sa 2022-23 NBA Season. Una, ang rebuilding ng team at pagpapalit ng coach at players. Sinibak na ng Lakers si Frank Vogel matapos ang 3 season ng pagmando nito sa team.


Target ng Lakers na malambat si Toronto Raptors coach Nick Nurse. Kinokunsidera rin si dating Utah Jazz mentor Quin Snyder ayon kay Shams Charania ng The Athletic.
May sitsit din na balak ng management na i-trade si Russell Westbrook. Ang destinasyon nito kung sakali ay sa Indiana Pacers.


Ang posiblenamang kapalit nito ay sina Myles Turner, Buddy Hield at Malcolm Brogdon. Wala pang pahayag si Westbrook tungkol dito.