April 20, 2024

Los Angeles Lakers, nilunod ang Dallas Mavericks

Wagi ang Los Angeles Lakers sa Dallas Mavericks sa Christmas Game ng NBA. Nilunod ng Lakers ang Dallas, 138-115.

Nanguna sa panalo ng Lakers si Anthony Davis na nagtala ng 28 points, 8 boards at 5 assists.

Nag-ambag naman si LeBron James ng 22 points, 10 assists at 7 boards. Impresibo naman ang bagong saltang sina Montrezl Harrell at Dennis Schroder.

Nabuslo si Harrell ng 22 points at 7 boards. Samantalang 18 points  at 6 assists ang ginawa ni Schroder.

Sa panig naman ng Dallas, Nagtala ng 27 points, 4 boards at 7 assists si Luka Doncic. Tumulong naman si Jason Richardson ng 17 points at 2 boards.

Ang laro ay idinaos sa Staples Center na walang audience.