April 23, 2024

LOS ANGELES LAKERS NAKARESBAK, NILUNOD ANG PHOENIX SUNS, 109-102

Nakabawi ang Los Angeles Lakers sa Phoenix Suns sa Game 2 ng Western  Conference playoffs series. Nilkunod ng Lakers ang Suns sa iskor na 109-102.

Kung kaya, tabla na sa 2-2 ang series. Bumida sa panalo ng Lakers si Anthony Davis na umiskor ng 34 points. Gayundin ng 10 boards, 7 assists at 3 blocks.

 Nag-ambag naman si Dennis Schroder ng 24 points, 3 rebs at 2 stl. Si LeBron James naman ay nagtala ng 23 points, 9 assists, 4 rebs at 2 stls.

Sa panig naman ng Phoenix, nagtala si Devin Booker ng 31 points at 3 assists. Si Deandre Ayton naman ay kumana ng 22 points mula sa 11/13 fieldgoal  at 10 rebounds.

Muling maghaharap ang dalawa sa May 27, ( May 28, Biyernes sa bansa) sa Staples Center.