April 24, 2024

LOS ANGELES CLIPPERS, PINILIPIT ANG DALLAS MAVERICKS SA GAME 6, 104-97

Nakaalpas ang Los Angeles Clippers sa Game 6 sa NBA playoffs West Round 1. Pinilipit ng Clippers ang Dallas Mavericks sa iskor na 104-97.

Kung kaya, naipuwersa ng Clippers ang pivotal Game 7. Nagtala rin ng kasaysayan ang match-up ng dalawa.

Ito’y bilang teams na nagwagi sa home court ng kanilang kalaban.Pero, di manalo-nalo sa kanilang homecourt.

Bumida sa panalo ng Clippers si Kawhi Leonard na bumuslo ng 45 points, 6 boards at 3 assists. Nag-ambag naman si Reggie Jackson ng 25 points, 9 boards at 4 assists.

Si Paul George naman ay kumana ng 20 points, 13 boards at 6 assists.

Samantala sa panig ng Dallas, nagtala si Luka Doncic ng 29 points, 11 assists at 8 boards. Habang si Tim Hardaway Jr naman ay bumuslo ng 23 points at 1 rebound.

Naging intense ng laban ng dalawa. Ilang lead changes din ang nangyari. Hanggang sa makaalis ang Clippers sa jinx at kumalawa na sa last two minutes ng laro.