March 29, 2024

Live-in na raw sila… AYON KAY DEREK RAMSAY, TOTOO NA RAW ANG RELASYON NILA NI ANDREA TORRES

GENUINE RELATIONSHIP na raw ang nararamdaman ni Derek Ramsay kay Andrea Torres, kaya nga ganuon na lang ang simpatya niya sa pamilya ng actress. Inamin din niya na habang tumatagal ay talagang totoo na ang nararamdaman niya.

“During lockdown, magkahiwalay sila ni Andrea. Si Derek daw ay nasa bahay n’ya lang at gayun din si Andrea sa bahay lang nila. Kaya nga ngayong normal na, inimbitahan ni Derek ang pamilya ni Andrea na sa bahay ni Derek muna sila. Pinagsama ni Derek ang pamilya niya at pamilya ni Andrea, Masaya naman ang kinalabasan. Mama and Dad ni Andrea, at ang parents ni Derek silang lahat ay nasa Tagaytay. ‘This relationship is so real,’ sabi ni Derek, at magkasama nga ang pamilya niya at ni Andrea.

“Nakikita at nadadama niya iyong totoong relationship mula kay Andrea, kaya naman tanggap niya ang aking pamilya at napakasya naming lahat. Kasalan na kaya ang kasunod nito? Sana. Dahil ngayon lang talaga mukhang nagpakatotoo si Derek. At kung mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon, nakikita namin na maganda ang kalalabasan ng lahat.” Masayang ikinwento ng aking source.