March 29, 2024

LIBRENG DATE SA BUWAN NG MGA PUSO SA CAINTA

Nanawagan ang Pamahalaang Bayan ng Cainta sa mga magkasintahang Cainteño na lumahok sa libreng “Valentine’s Date” na programa ng naturang bayan para sa Buwan ng mga Puso.

Ayon kay Mayor Kit Nieto, ang naturang programa na may temang “Tinadhana sa One Cainta: Tagpuan ng Magkasintahan” ay para sa mga couple na taga-Cainta na gaganapin sa Pebrero 13.

Sa mga gustong mag-apply sa programang ito ng pamahalaang bayan, ikuwento ninyo lamang ang inyong love story sa link na ito: tinyurl.com/TagpuanNgMagkasintahan.

Hintayin ang mensahe o tawag upang malaman kung kayo ang napili.

Gaganapin ang libreng Valentine’s date sa Pebrero 13, kung saan 31 magkasintahan ang makikinabang para sa isang miryeda cena na magaganap sa Red Keep Café.

Samantala, para sa mga ladies, may tsansa rin kayong maka-date si Mayor Nieto at kanyang Vice Mayor na si Ace Servillon para sa programang “Speed Dating with Mayor Kit at VM Ace.

Sagutin lamang ang link para mapasama sa pagpipilian: tinyurl.com/OneCaintaSpeedDating.

Hintayin lamang ang tawag at maghanda para sa isang maiksing kwentuhan.

13 ladies ang masuwerteng makakasama ni Mayor Nieto habang 13 naman ang makakasama ni Vice Mayor Ace sa isang date na magaganap din sa Pebrero 13 sa Red Keep Café.

Paalala ng pamahalaang bayan, hanggang Pebrero 6 lamang maaaring mag-apply sa programang ito kaya magmadali na!