March 29, 2024

LEBRON JAMES NG LAKERS, BALAK BUMILI NG FRANCHISE TEAM SA LAS VEGAS

May isang ultimate dream si LeBron James ng Los Angeles Lakers. Ito ay ang pagkakaroon ng team sa NBA franchise team sa Las Vegas.

Sa panayam sa kanya sa upcoming episode ng ‘The Shop’ ng HBO, sinabi niya ang tungkol dito. Na kung ano ang goal niya sa next chapter ng kanyang career. Lalo na kapag dumating ang sandaling nagretiro na siya.

Pangarap niyang bumili ng team na ikakamada sa NBA. “Yeah, I wanna buy a team, for sure. … I want a team in Vegas,” ani James.

Kaugnay nito, walang plano ang NBA na mag-expand ng team. Pinabulaanan ni NBA Komisyuner Adam Silver ang rumor na magdadagdag pa sila ng 2 teams. Ito ay ang Las Vegas at Seattle para sa expansion franchises sa 2024.

May estimated na net worth si James na $1 billion dollars (katumbas ng 53 bilyon piso). Pero hindi ito sapat para makabili ng sariling team. Kinakailangang may partners siya magpatakbo ng isang team.