April 24, 2024

LEBRON JAMES, NANGUNA SA PAGLUNOD NG LAKERS SA MAGIC

Los Angeles Lakers forward LeBron James, front, fights for a ball against Orlando Magic center Robin Lopez during the first half of an NBA basketball game in Los Angeles, Sunday, Dec. 12, 2021. (AP Photo/Ringo H.W. Chiu)
(ASSOCIATED PRESS)

Nagtala si LeBron James ng triple-double upang igiya ang Los Angeles Lakers sa paglunod sa Orlando Magic, 106-94. Kumana si ‘The King’ ng 30 points, 11 boards at 10 assists. Nag-ambag naman si T. Hortor-Tucker ng 19 points at 6 steals.


Habang 19 points, 7 boards at 5 assists naman ang itinala ni Russell Westbrook. Sa panig naman ng Magic, nanguna si Cole Anthony sa pabuslo ng 21 points.


Kumamada agad ng 7-0 run ang Lakers sa umpisa ng regulation. Ngunit, nakaalpas ang Orlando. Natambakan pa nila ang Lakers ng 2 digits. Subalit, pagsapit ng third-quarter, naungusan ang Lakers ang Magic.


Umabot pa ang lamang sa mahigit 20 points. Natapyasan ito ng Magic pero di na muling nakalamang. Inalagaan ng LA ang kalamangan na di bababa sa 2 digits hanggang sa matapos ang laro.

Sa iba pang games ngayong araw, nilapa ng Minnesota Timberwolves ang Portland TrailBlazers, 116-111. Diniskaril naman ng Brooklyn Nets ang Detroit Pistons,116-104.