April 20, 2024

LEBRON JAMES, NAGPASIKLAP SA PAGLUNOD NG LAKERS SA CAVALIERS

Nagpasiklab agad si LeBron James sa kanyang muling paglalaro sa Los Angeles Lakers. Nilunod ng Lakers ang Cleveland Cavaliers sa iskor na 113-101.


Kumana si James ang 26 points, 8 assists, 3 stl at 3 boards. Kumamada naman si Carmelo Anthony ng 24 points at 5 rebounds. Nag-ambag naman si Russell Westbrook ng 19 points, 6 boards at 5 assists.


Habang si Anthony Davis naman at bumira ng 15 points, 9 boards, 3 ast at 3 blk. Sa panig naman ng Cavaliers, nanguna si E. Mobley sa pagbuslo ng 23 points. Kasama na rito ang 6 boards, 3 assists at 2 stl.


Hindi na hinayaan pa ng Lakers na mabaon sila sa 2-3 sa standings sa West. Sa ngayon ay nakakapit sila sa Top 8 ng nasabing Conference.