April 19, 2024

LEBRON JAMES, MAAARING MAPUNTA SA GOLDEN STATE WARRIORS?

Bilang na nga ba ang araw ni LeBron James sa Los Angeles Lakers? Ito ay dahil sa pabulusok na kapalaran ng LA sa 2021-22 NBA season. Kahit nga mismong ang mga fans ay nadidismaya na sa kanilang laro.


Dumating pa sa puntong inokray sila ng mga fans. Lalo na nang matalo sa New Orleans Pelicans. Ang tanong, may posibilidad bang umalis si LeBron sa LA?
Ilang possiyento ang posibilidad na iti-trade siya ng Lakers? Kung mangyayari, saang team naman siya iti-trade at sino ang kapalit?


Ayon sa Ringer, 5 teams ang maaaring bagsakan ni James. Kabilang na rito ang Oklahoma City Thunder, Miami Heat, Denver Nuggets at Charlotte Hornets.


May posibilidad ding irekta siya sa Golden State Warriors. Ang posibleng maging kapalit ay sina Draymond Green, James Wiseman, Jonathan Kuminga at Jordan Poole. Kung mangyayari ito, maaaring makagawa ng dynasty ang GSW.