April 18, 2024

LEBRON JAMES, LILIPAT SA 76ERS SA SUSUNOD NA NBA SEASON?

Nasa balag ng alanganin si LeBron James at ang Los Angeles Lakers ngayong season. Habang papalapit nang matapos ang season games sa 82, nasa 10th seed na ang Lakers sa Western Conference.


Ang sitsit, malamang na lumipat ng team si LeBron sa susunod na season. Lalo na nga’t kung matapos na ang kanyang kontrata sa team. Maaari umanong lumipat ng ibang teams sa Eastern Conference si ‘The King’. Sa gayun ay muli itong makalasap ng championship ayon sa source.


Isa ang Philadelphia 76ers sa maaaring lipatan ng 37-anyos na si James. Kapag nangyari ito, makabubuo ang 76ers ng bagong ‘Big 3. Magiging kakampi na nito si Joel Embiid at James Harden.
“It is interesting. I think you’d want more. You’d want picks and the Sixers gave up a bunch of them [to the Nets] or a couple of them,” ani Chris Mannix ng Sports Illustrated.