March 28, 2024

LALAKI INILIGTAS KATRABAHO SA SNATCHER, PATAY MATAPOS BARILIN

Patay ang isang lalaki nang barilin ng hindi pa nakikilalang snatcher matapos niyang iligtas ang babaeng katrabaho sa Balayan, Batangas, Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktimang si Ariel Cinco, 32, papauwi sa kanilang bahay kasama ang kanyang mga katrabaho na si Ericka Iladia at dalawang iba pa, dakong alas-10:50 ng gabi.

Nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki at ang isa rito ay tinangkang hablutin ang bag ni Iladia.

Pumagitna ang biktima at ipinagtanggol si Iladia dahilan para barilin siya sa dibdib ng isa sa mga snatcher.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Isinugod ang biktima sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital subalit nasawi rin sa daan dahil sa malubhang tama ng bala.

Nagsasagawa na ang pulisya ng imbestigasyon para makilala at maaresto ang mga snatcher.