April 23, 2024

LAKERS, TURIT SA SPURS, WARRIORS, TINAGA ANG GRIZZLIES

Anyare sa Los Angeles Lakers at madalas na silang nagtatatalo? ito ang reaction ng mga fans sa nalasap na 4 straight loss ng team. Sinipa ng San Antonio Spurs ang Lakers sa iskor na 138-110.


Hindi naging sapat ang ginawang 36 points ni LeBron James. Kasama na rito ang 9 boards, 6 assists at 2 blocks. Nag-ambag naman si Russell Westbrook ng 30 points, 7 rebs at 4 assists.

Samantala, bumida naman sa Spurs si K. Bates-Diop sa pagtala ng 30 points. Sa iba pang laro, tinaga ng Golden State Warriors ang Memphis Grizzlies, 113-104.

Kumana si Stephen Curry ng 46 points, 4 assists, 4 boards at 2 steals para sa Warriors. Si Jah Morant naman ay bumira ng 21 points. 6 assists at 3 boards sa Memphis.

Narito ang kabuuang resulta ng laro ngayong araw sa NBA. Tinupok ng Phoenix Suns ang Oklahoma City Thunder, 113-101. Sinuwag ng Milwaukee Bucks ang Dallas Mavericks, 102-95.