Natakas ang Los Angeles Lakers sa intense game kontra Miami Heat sa overtime. Nilunod ng una ang huli sa iskor na 120-117. Bumida si Malik Monk sa pagbira ng 27 points off the bench. Kasama na rito ang 6 boards at 3 assists.
Nag-ambag naman si Russell Westbrook ng 25 points, 14 assists 12 reb at 2 blk. Habang si Anthony Davis naman ay kumana ng 24 points, 13 boards at 4 assists. Sa panig naman ng Miami, nanguna si Bam Adebayo sa pagbuslo ng 28 points. Gayundin ang 10 boards at 6 steals.
Si Tyler Herro naman ay rumekta ng 27 points, 4 boards at 3 assists. May record sa standings ang Lakers na 7-5, pangpito sa West Conference. Habang ang Heat ay 7-4, panglima sa Eastern Conference.
More Stories
Team Japeth, Team Barroca handa na sa PBA All-Star Game
Philippine men’s national football team pinayuko ng Iraq, 1-0
Hidilyn nasa final phase para sa Paris