April 19, 2024

LAKERS, KINURYENTE NG THUNDER

Tila malas ang Los Angeles Lakers kapag kalaban ang Oklahoma City Thunder. Muling kinuryente ng huli ang una sa iskor na 107-104. Ito na ang 2 beses na pagkatalo ng Lakers sa head-to-head match up nila ng Thunder ngayong season.


Nangyari rin ang unang senaryong sa ikalawa nilang paghaharap. Kung saan, tinambakan ng Lakers ng Thunder. Ngunit, sa bandang huli ay nasilat pa.


Kumana si S. Gilgeous-Alexander ng 28 points sa Oklahoma. Gayundin ng 6 assists at 3 boards. Sa panig naman ng Lakers, bumanat si Anthony Davis ng 29 points. Kasama na rito ang 18 boards, 5 ast at 2 blk.


Si Russel Westbrook naman ay gumawa ng 27 points, 6 boards at 5 ast. Habang si Carmelo Anthony ay nag-ambag ng 21 points, 6 boards at 2 assists. HIndi naman nakapaglaro si LeBron James dahil sa abominal sprain.


May naririra pang 2 laban ang dalawang team sa rest of the season sa Western Conference.