April 25, 2024

LAKERS, DI ITI-TRADE SI WESTBROOK SA KINGS

Hindi isasalang ng Los Angeles Lakers si Russell Westbrook sa trade. ito ang ginarantiya ni Lakers GM Rob Pelinka. Ito’y sa kabila ng sitsit na ipapalaot ng team si Westbrook sa Sacramento Kings.


Ayon sa ESPN analyst, inilalatag umano ng LA ang trade para makahabol sa deadline.
Ayon sa humor, kung maikakasa ang trade, ang kapalit nito ay si Buddy Hield.

Gayunman, iginiit ni Pelinka na wala ito sa plano nila. Aniya, nais niyang maging bahagi si Westbrook ng success ng Lakers.
Isa pa, hindi rin papayag sina LA stars LeBron James at Anthony Davis na mangyari iyon. Ang kailangan lang daw ay magkaroon sila ng chemistry.