April 20, 2024

LA Lakers, niluray ng Toronto Raptors

LAKE BUENAVISTA, Fla.— Niluray ng Toronto Raptors ang Los Angeles Lakers, 107-92 sa second day ng NBA restart sa The Arena. Bumida sa panalo ng Raptors si Kyle Lowry na bumuslo ng 33 points at 14 rebounds.

Sapol noong 2014-2015 NBA season, hindi pa nananalo ang Lakers sa Toronto. Huling natalo ng Lakers ang Raptors noong November 30, 2014 sa OT, 129-122 sa Staples Center.

Nag-ambag naman si OG Anunoby ng 15 puntos at 9 naman ang kay Pascal Siakam. Nagdagdag naman ng 13 points at 11 assists si Fred Van Vleet.

Kumayod naman ng 20 points at 10 boards si LeBron James. Nagtala naman ng 16 points si Kyle Kuzma, samantalang 14  lang ang naiambag ni Anthony Davis.

Kumamada rin para sa Lakers si Dion Waiters na may 12 puntos. Habang 11 points naman ang inambag ni Alex Caruso.

Nilamangan ng Lakers ang Raptors mula una at ikalawang kwarter. Nakaungos ng Lakers sa 13-2 run at 31-6 sa unang half, 44-41.

Ngunit, nakaungos ang Raptors sa 3rd. Nahabol uli ang Lakers sa fourth, 76-72 kartada. Ngunit, muling nakaungos ang Raptors 78-76 mula sa sunod-sunod na 3s ni Anunoby.

Tuluyan nang iniwan ng Raptors ang Lakers, 90-83 at lumamang pa ng 14 points bago sumapit ang 2 minutes.

Sa Martes ay makatatapat ng Lakers ang Utah Jazz, samantalang kakasa naman ang Raptors sa Miami Heat.