April 23, 2024

LA LAKERS- MILWAUKEE BUCKS, MALAMANG MAGHARAP SA NBA FINALS

Bagama’t hindi pa opisyal na bumabalik sa eksena ang NBA games, excited na ang basketball fans sa kahihinatnat ng playoffs; maging sa kung anong koponan ang maghaharap sa 2020 NBA Finals.

Sa online betting odds na isinagawa, heavy favorites ang Milwaukee Bucks na makararating sa finals mula sa Eastern Conference. Gayundin ang Boston Celtics. Samantalang ang Los Angeles Lakers at L.A Clippers naman ang sa Western Conference. Magtatapat ang dalawang team sa Los Angeles sa Western Conference Finals habang magtatapat aniya ang Boston at Bucks sa Eastern Conference Finals batay sa prediksyon ng mga sports analyst ng Bleachers Report.

Lalabas din aniya na magtatapat ang Lakers o Bucks, Clippers o Bucks sa NBA Finals gabay ang nakalap na stats ni Zach Buckley sa mga analyst ng NBA.com, Basketball Reference at ESPN.com. Tahasan silang sumang-ayon na magka-kampeon ang Lakers kontra Bucks sa 4-2 series.

“Milwaukee’s best-case-scenario version can win a title, but the margin for error is minuscule. The James-Davis combo gives L.A. both a higher ceiling and more of a cushion if everything doesn’t break just right. At some point, James will be forced to relinquish his crown, but that time isn’t now,” ani Buckley.