April 19, 2024

LA CLIPPERS, BAKA MAKAPUWING SA PLAY-IN TOURNAMENT

Kung minalas ang Lakers, huwag ismolin ang LA Clippers dahil malaki ang tsansa nila na makapasok sa playoffs. Kahit hindi naglaro sa ilang games ang kanilang star players na sina Kawhi Leonard at Paul George, pero, umaalagwa ng panalo ang Clippers.


Masasabing dark horse na ang Clippers at malamang na umaalagwa pa sa pagbabalik ni Paul George.
Makakatunggali alinman sa Pelicans, Spurs at Timberwolves sa play-in depende sa magiging resulta ng nalalabi pang laro sa regular games sa season.

Kumpiyansa naman si Clippers Tyron Lue na susuwertihin sila sa play-in. Lalo pa’t matatag ang kapit nila sa 8th seed. Maaaring makatapat nila ang Denver o Wolves sa pagpalo ng play-in sa Abril 12. Ito’y kumpormi pa rin sa resulta ng nalalabing 2 games.