April 25, 2024

KYLIE PADILLA, IPINAGTANGGOL NG PINSAN SA MGA PASABOG NI ALJUR

Ipinagtanggol si Kylie Padilla ng kanyang pinsan na si Princess Paulino kaugnay sa pasabog ni Aljur Abrenica. Aniya, pinalalabas ng aktor na si Kylie pa ang unang nag-cheat. Kaya, nasira ang kanilang relasyon.


Banat ni Princess, di raw nangaliwa si Kylie sa aktor. Ito pa raw ang nagcheat ng ilang beses kaya nasaktan ang pinsan niya.


Isa raw iresponsableng asawa si Aljur pero hindi nagsalita si Kylie ng masakit dito sa madla. Kaya, hindi na raw kasalanan ng actress kung binabanatan sa social media ang ex-husband. Na kung tutuusin daw ay may bago na agad na kasintahan.

” Kylie never chetad on you.Not even when you could not put food on the table. You still owe her a lot of money, which she never took againts you,” ani Princess.


” Hey Aljur, please have some decency. Save some respect for your self.Stop you’re lies,” aniya.