March 28, 2024

KYLIE PADILLA, HILING NA MAGING MABUTI SILANG MAGKAIBIGAN ALANG-ALANG SA KANILANG MGA ANAK

Inihayag ng aktres na si Kylie Padilla na ayaw na niyang magsiraan pa sila ni Aljur Abrenica. Sa panayam sa kanya ni Jessica Soho sa KMJS, nilinaw ni Kylie na di niya gusto ang nangyari.
Kaya, nais niyang kapwa na lang sila maging masaya ng ex-husband.


Ama pa rin siya ng mga anak ko. For me, ayaw kong patuloy kaming magsiraan. I want him to be happy, gayun din ako,” ani Kylie.

” Sana ay maging maayos kaming magkaibigan. Para walang problema. Kasi, ang mga bata ang naapektuhan ‘e. Ayaw ko ng ganun alang-alang man lang s amga anak namin,” aniya.


Ibinahagi naman ni Aljur ang kanyang panig sa hiwalay nila ng aktres. Na napapasama lang dahil sa pagpatul ng mga netizens.


May pinagsamahan naman kami. So, wala na akong sasabihin pa. Nasabi ko nang lahat. Ayaw kong patuloy kaming magsiraan dahil pamilya pa rin ang turing ko sa kanila,” ani Aljur.

Sana naman ay maayos na talaga ang sitwasyon nila. Dahil lahat naman ng gusot ay naayos. Huwag na sanang gatungan pa ng iba ang isyu upang di na lumiyab pang lalo. Nawawala ang apoy kapag walang panggatong.